MAS MABILIS na ngayon ang internet con nection sa Filipinas, ayon sa Ookla speedtest global index report.
Napag-alaman sa Ookla na ang average download speed sa bansa ay tumaas ng 143.7 percent kung saan mula sa 7.91 Mbps noong Hulyo 2016 ay nasa 19.28 Mbps na ito ngayon.
Maging ang average download mobile broadband speed ay bumilis ng 94.35 percent sa 14.46 Mbps mula sa 7.44 Mbps noong Hulyo 2016, ayon sa February 2019 index report.
Ang internet speed sa Filipinas ay nasa ika-29 na puwesto para sa fixed broadband, habang nasa ika-33 puwesto naman sa mo-bile mula sa 50 bansa.
Sa 46 bansa sa Asia Pacific, ang average download speed ng Filipinas ay nasa ika-21 puwesto para sa fixed broadband at ika-22 naman sa mobile.
Ang average download speed ng Filipinas para sa fixed broadband.
Sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang average download speed ng Filipinas para sa fixed broadband ay mas mabilis kumpara sa Brunei, Indonesia, Cambodia at Myanmar, habang ang mobile internet speed nito ay mas mabilis sa Cambodia at Indonesia.