INTERNET VOTING TEST RUN IDARAOS NG COMELEC

IDARAOS na ng Commission on Elections (Comelec) mula Setyembre 11 hanggang 13 ang unang bahagi ng kanilang internet voting test run, katuwang ang kanilang technology supplier na Voatz.

Sa isang virtual briefing kahapon, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang test run ay magsisimula ng 8:00 ng umaga, oras sa Maynila, sa Setyembre 11 at magtatapos  ng 8:00 ng umaga, oras sa Maynila, sa Setyembre 13.

Ang voting list ay ipapaskil  sa opisyal na Facebook page ng Office for Overseas Voting (OFOV), para ipakita ang apelyido, pangalan at middle initial ng mga kalahok.

Samantala, ayon na­man kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, na siyang commissioner-in-charge para sa overseas voting, wala silang gagastusin sa natu­rang test run, na isasagawa kasama ang US-based firm na Voatz.

Bukod naman sa Voatz, inaasahang magsasagawa rin ang Comelec ng test runs kasama ang Indra at Smartmatic ngayong Set­yembre. ANA ROSARIO HERNANDEZ

87 thoughts on “INTERNET VOTING TEST RUN IDARAOS NG COMELEC”

Comments are closed.