MARAMI sanang interesanteng mapanood sa GGV tulad ng daring question ni Vice Chakah tungkol sa kung nakapanood na raw ba ng porn si Sarah Geronimo?
Isang pilyang ngiti lang daw ang naging kasagutan ni Sarah pagkatapos sumagot na oo pero anime lang daw.
Anyway, na-shock daw si Mommy Divine (Hahahaha!) nang tanungin ni Vice si Sarah kung na-experience na raw ba nitong matulog na may katabing lalake? Pina-trim nang pina-trim daw ni Mommy Divine ang episode hanggang sa wala ng matirang substantial.
Ang latest, pinaaabono raw sa Viva ang cost of production. Ang tanong, papayag ba naman si Boss Vic?
Well, ang siste naman kasi, hindi naman bagay kay Sarah ang mga katanungan ng balahurang bakla.
Who does she think she is asking? Rosanna Roces? Hahahahaha!
Dapat, ibinabagay naman sa guest ang mga katanungan at hindi ba ‘yung makapagpa-kontrobersiyal lang to the extent na mabababoy naman ang guest.
Feeling naman siguro ni Vice ay baklang tulad niya si Sarah na hindi magba-blush kung tatanungin niya in a highly provocative manner about ques-tions that most people find eyebrow-raising.
Akala siguro ng balahurang baklang ito ay puwede na niyang tanungin ng mga brutally offensive question si Sarah nang hindi magre-react si Mom-my Divine.
Kaya lang naman nagprotesta ‘yung tao ay dahil sa feeling niya ay nababastos naman ang kanyang anak na inalagaan niyang parang kristal.
Next time kasi, pakaisipin naman ni Vice kung ang mga katanungan ba niya’y nababagay naman sa kanyang guest.
Kung si Maja Salvador nga na super liberated ay hindi niya matanong ng mga offensive questions na ‘yan, why ask Sarah, who is a sweet-imaged belle?
Dati naman, maayos namang magtanong itong si Vice, ano’t nang si Sarah na ang kanyang guest ay mga x-rated na ang kanyang itinatanong?
Honestly, hindi naman natin masisi si Mommy Divine kung magprotesta siya dahil nakababastos na nga naman ang mga katanungan ng baklang ito na tinutulad sa mga amiga niyang kalat ang mahinhin na tulad ni Ms. Geronimo.
Doon naman sa nagko-compare kay Mommy Divine kina Mommy Ligaya Salonga ni Lea Salonga, Mommy Pinty nina Toni at Alex Gonzaga, at maging si Mommy Pia Magalona nina Elmo at Maxene, hindi naman kasi magkakaroon nang lakas ng loob na balahurain ng baklang ito ang nasabing mga artista dahil scared din siyang ma-award ng mga matataray na ermats ng mga ito.
‘Yun lang!
CHERIE GIL INALASKA ANG INANG SI ROSEMARIE GIL
TINAPUNAN ng tubig ni Rosemarie Gil ang kanyang anak na si Cherie Gil at tinawag na “copycat”.
Nakatagpo raw ng kanyang ka-match si Lavinia dahil naka-experience siyang matapuan ng tubig sa mukha at kanyang ina pa ang gumawa nito.
Anyway, nakita sa isang Facebook video si Cherie na tinutukso ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagsasabing ang kanyang GMA7 show daw na Onanay ay may mas mataas na rating as compared to her mom’s ABS-CBN teleserye, Ngayon at Kailanman.
Cherie asked her mother snidely, “So, kamusta naman, mommy, at mas mataas ang ratings ng show namin kaysa sa inyo?”
At this juncture, Rosemarie delivered the iconic line: “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat!”
Pinunasan ni Cherie ang tubig mula sa kanyang mukha at nagsabing, “Fine, but it’s still my line. Copycat!”
Nakatatawang reversal of role para kay Cherie na usually ay siya ang nagsasaboy ng tubig sa mga celebrities na kaeksena niya sabay dialogue ng kanyang memorable line.
Sa kanyang video, Cherie wrote:
“Now THIS IS CLASSIC! And THIS upon my request! #ilaviniaarguellesmoako #onanay #ngayonatkailanman
“Disclaimer: only my mother can do this to me ha!?!?
“Thank you mom Rose Marie Gil Eigenmann for being such a great sport ! #theoriginal”
Sa 1985 na pelikulang Bituing Walang Ningning, Sharon Cuneta who delineated the role of Dorina, ay nagtanong sa kanyang idolo kung ano ang masasabi nito sa kanyang performance.
Cherie, who essayed her idol Lavinia, answered admonishing, “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat!”
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.