INT’L TRAVEL RESTRICTIONS UNTI-UNTING ALISIN -WHO

WHO

HINIMOK ng World Health Organizations (WHO) ang iba’t ibang bansa na unti-untiin ang pagtatanggal sa ipinatutupad na mga international travel res­trictions.

Ayon sa WHO, dapat na bigyang prayoridad muna sa ngayon ang mga mahahalagang biyahe patungong ibang bansa tulad ng emergencies,  humanitarian actions, essential personnel at repatriation o paglilikas ng mga tao.

Sinabi ng WHO, kinakailangang magsagawa muna ng masinsinang assessment o pagtaya ang bawat bansa sa posib­leng banta ng pagkalat ng COVID-19 bago muling maibalik ang mga international travel.

Magugunitang napi­litan ang iba’t ibang mga bansa sa buong mundo na magpatupad ng travel restrictions sa mga dayuhan bilang bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Comments are closed.