QUEZON – PATAY ang isang lalaki matapos papulutanin ng bala habang nakikipag-inuman sa Sitio Brothers and Sisters sa Brgy. Pahinga Norte, Candelaria noong Sabado ng gabi.
Kinilala ng Candelaria PNP ang nasawi na si Arwin Dela Cruz, 29-anyos, nakilala naman ang suspek na si alyas Mark, 19-anyos, nakatira rin sa nasabing barangay.
Base sa report ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi habang nag-iinuman ang dalawa kasama ang ilang kaibigan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima na nauwi sa pamamaril.
Napikon umano si Mark at biglang binunot ang baril sa kanyang baywang at ilang ulit na pinaputukan si Dela Cruz na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo na naging sanhi ng agad nitong pagkamatay.
Mabilis namang tumakas ang suspek matapos maisagawa ang krimen. BONG RIVERA
Comments are closed.