CAMP CRAME-ARESTADO ang mag-ama dahil sa pagbebenta ng mga pekeng gamot na pangontra umano sa 2019 Coronavirus Disease (COVID 19).
Kinilala ang mag-ama na sina Ismael Aviso at anak na si Ismael Aviso Jr ng Navotas City.
Ang nakatatandang Aviso ay siyang inventor ng Motionless Electric Generator noong 2011.
Inaresto sila ng pinagsanib na puwersa ng Regional Anti Cyber Crime Unit ng Region 4A sa ikinasang entrapment Operation makaraang tanggapin ang marked money na P7,500.
Kumilos ang PNP Anti Cyber Crime Group, matapos makatanggap ng reklamo na may nagbebenta on line ng gamot kontra COVID 19 .
Si Ismael Aviso Sr ay dalawang beses na binalaan ng Food and Drug Administration noong August at September 2019 dahil sa pagbebenta ng mga pekeng gamot kontra dengue.
Sa ngayon ay nahaharap na sa patong patong na kaso ang mag-amang Aviso.
Ang mga kasong ito ay ang estafa, paglabag sa RA 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 at Cyber Crime Prevention Act. REA SARMIENTO
Comments are closed.