MALING ipagpalagay na ang pasuweldo sa mga tauhan ay gastos lamang para sa kumpanya.
Hindi rin dapat isipin na malaki ang matitipid kung hindi ibibigay ang tamang pasuweldo dahil maaaring pagsimulan ito ng pagbagsak ng operasyon at income.
Sa halip, dapat isipin na ang pasuweldo ay isang investment na susuporta para sa pagsulong ng kumpanya..
Ang pagpapasuweldo ng tama sa tauhan ay mayroong magandang resulta sa bawat operasyon.
Sa pagtatayo ng negosyo, laging kasama sa operation expenses ang pasuweldo sa tauhan.
Gaya ng gastusin sa logistics at supply subalit malaking bahagi nito ang paglago ng negosyo.
Kung ito ay isasantabi o aalisin, tiyak na hindi aandar ang negosyo.
INCREASE SA SUWELDO, NARARAPAT
Kapag may itinakda ang Department of Labor and Employment (DOLE) na salary increase dapat itong sundin at huwag panghinayangan.
Ang konsepto nito, kung mataas ang suweldo ng empleyado, mas tumataas ang produksyon nila.
Maling mindset na panatilihin sa basic salary ang suweldo ng tao lalo na’t legal naman, pero tandaan na kapag mataas ang bigay na suweldo magiging inspirasyon ito para dagdagan ang sipag ng empleyado.
Maling mindset din na napupunta lang sa empleyado ang kita ng kumpanya dahil sa totoo lang, ang pagsisilbi ng empleyado ay mayroong malaking ginagampanan sa operasyon ng bawat kumpanya.
Sabi nga, kung gaano kataas ang suweldo, matitiyak na mataas din ang produksyon.
Kumbaga, singhalaga ng suweldo ang kapasidad ng empleyado.