BAGAMAN nahaharap sa problemang dulot ng legal battles sa ownership ng kontrobersyal na resort hotel na Okada, patuloy ang investment ng Kazuo Okada Group sa Pilipinas.
Ito ang tiniyak ni Atty. Rico Paolo R. Quicho, spokesperon ng KOG sa pulong balitaan nitong Lunes, Oktubre 10.
Sa pinakabagong bugso ng legal battle ng KOG, nilinaw ni Quicho na nabasura ang anim na kasong isinampa sa kanila ng Universal Entertainment Group sa City Prosecutor ng Parañaque at Department of Justice.
Naniniwala rin ang KOG na mabibigyan ng hustisya ang sinumang tumatalima sa proseso ng justice
system sa bansa.
“That justice will be served to those who always work within the bounds of the country’s legal system,” pahayag ng KOG.
At ito ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang KOG sa pamumuhunan sa bansa.
VICKY CERVALES