INVESTMENT PLEDGES BUMABA, P313.31-B SA UNANG 7 BUWAN

INVESTMENT PLEDGES

BUMABA ang investment pledges sa unang pitong buwan ng taon ng 26.7 percent.

Sa report ng Bureau of Trade and Industrial Policy Research, ang pledges sa Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) mula Enero hanggang Hulyo ay bumaba ng 26.7 percent sa P313.31 billion mula sa P427.52 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.  Natipon ng BOI ang 80.5 percent ng kabuuang bilang.

Batay pa sa report, ang investments sa BOI ay bumagsak ng 14.4 percent sa P252.32 billion sa unang pitong buwan mula sa  P294.85 billion noong nakaraang taon. Samantala, nalasap ng PEZA ang 54 porsiyentong pagbaba sa kaparehong panahon sa P60.99 billion mula sa P132.66 billion.

Bukod dito, ang onshore investments ay bumaba ng 29.6 percent sa P267.91 billion mula sa P380.78 billion, habang ang offshore pledges ay bumagsak ng 2.9 percent sa P45.4 billion mula sa P46.73 billion.

Lima sa top sources ng commitments ng bansa ang nagtala ng malaking pagbaba sa unang pitong buwan ng taon.

Ang investments mula sa Estados Unidos, Singapore at United Kingdom ay bumaba ng 9.1 percent, 65.6 percent at 51.9 percent, ayon sa pagkakasunod-sunod. Bumaba rin ang pledges ng China ng 18.6 percent, habang ang nagmula sa Netherlands  ay bumaba ng 84.4 percent.

Ang Japan ay nanatiling pinakamalaking pinagkukunan ng mga bagong proyekto ng bansa sa P13.92 billion, mas mataas ng 46 percent sa P9.54 billion noong nakaraang taon.

Samantala, tatlong nangu­ngunang industriya ang nagposte ng double digit investment declines sa first semester. Ang koryente,  gas, steam at air conditioning supply ay nananatiling leading investment industry sa P118.1 billion, mas mataas ng 86 percent sa P63.5 billion sa naunang taon.

“Commitments to real estate activities fell by 67.1 percent to P50.12 billion from P152.55 billion. The same fate was suffered by the manufacturing and construction industries, of which investments went down by 19.5 percent 74.3 percent, accordingly,” nakasaad pa sa report.

Ang transportation and storage ay nagtala naman ng 301.9 percent investment increase sa P38.5 billion mula sa P9.58 billion noong nakaraang taon. ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.