INVESTMENT PLEDGES LUMOBO, P454.8-B SA THIRD QUARTER

BOI Managing Head Ceferino Rodolfo Jr

KUMPIYANSA ang Board of Investments (BOI) na matatamo nito ang P680 billion target ngayong taon sa pagsipa ng investment pledges sa third quarter.

Ayon sa BOI, tumaas ng 19.3 percent ang investment pledges matapos ang tatlong quarters. Ang commitments sa BOI ay umaabot na ngayon sa P454.8 billion mula sa P381.2 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang power projects ang nanguna sa registration performance sa P168 billion mula Enero hanggang Setyembre, kasunod ang manufacturing sa P104 billion at transport and logistics sa P102 billion. Ang huli ay nagtala ng 569 percent growth mula sa P15 billion sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ni Trade Undersecretary and BOI Managing Head Ceferino S. Rodolfo Jr. na doble ang kanilang pagsisikap upang masiguro na ang mga proyekto ay sumusunod sarequirements.

“After the record-breaking investment approval figures, of P617 billion in 2017, the agency is still pretty confident of hitting its investment target of P680 billion for this year. As of September, we are already surpassing expectations with already two-thirds of our yearend target and the rest of the year should be pretty exciting and challenging due to the deluge of big projects in the pipeline,” pahayag ni Rodolfo.

“We are just exercising due diligence to ensure that these projects comply with the necessary requirements,” dagdag pa niya.

Ang P38 billion project ng Pulangi Hydro Power Corp. ang nanguna sa energy industry kung saan magtatayo ito ng 250 megawatts hydroelectric power plant sa Bukidnon. Lumakas naman ang manufacturing sa pag-apruba sa P82 billion commitment ng Petron Corp. sa condensate processing complex project sa refinery nito sa  Limay, Bataan.

Inaprubahan din ng BOI ang P62.6 billion liquefied natural gas terminal project ng First Gen Corp. sa Batangas City na may kapasidad na 5 million tons per year.

Ang iba pang manufacturing projects ay kinabibilangan ng P1.8 billion investment ng Bio Renewable Energy Ventures sa pagpoprodyus ng coconut methyl ester at glycerin sa Misamis Oriental; Biotech Farms Inc.’s P151 million project ng Biotech Farms, Inc. para sa produksiyon ng fiber egg trays sa South Cotabato; at P60 million export ng Conibo Organics, Inc. sa coconut noir sa Camariner Sur.

“Philippine Airlines Inc.’s acquisition of six Airbus A321neo amounting to P19 billion to service international routes propelled the transportation and logistics industry. It was also complemented by Cebu Air Inc.’s P11.8 billion purchase of five Airbus A321ceo to make domestic and international flights,” ayon pa sa BOI.

“Investor confidence in the country remains high. The Philippines continues to attract more investments because the economy is strong enough to withstand challenges on both the domestic and international fronts,” pahayag naman ni Trade Secretary and BOI Chairman Ramon M. Lopez.

Umaasa siyang lalo pang darami ang investment pledges kapag ipinalabas na ang implementing rules and regulations ng ease of doing business law at kapag ipinatupad na ang road shows ng Strategic Investment Priorities Plan.

Samantala, tumaas din ang approved foreign direct investments (FDIs) sa P37 billion hanggang noong Setyembre, mas mataas ng 196 percent sa P12.5 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang British Virgin Islands ang top source ng FDIs sa P15.2 billion, kasunod ang Indonesia (P6.4 billion), Malaysia (P2.9 billion), Japan (P2.6 billion) at China (P1 billion).  ELIJAH FELICE ROSALES