INVESTMENT PLEDGES LUMOBO, P907.2-B SA 2018

FOREIGN INVESTMENT PLEDGES

PUMALO ang investments na ina­prubahan ng Board of Investments (BOI) para sa buong taon sa P907.2 billion, mas mataas sa all-time mark noong nakaraang taon at sa target ng ahensiya.

Ayon sa BOI, tinapos nito ang taon na may isa na namang record breaking investment approvals. Ang pledges sa ahensiya ngayong taon ay lumobo ng 47.1 percent sa P907.2 billion mula sa P616.8 billion na naitala noong nakaraang taon.

Ang numero ay mas mataas din sa annual target ng BOI na P680 billion.  Ang pagtaas ng investments ay bunga ng mga bagong proyekto sa manufacturing sector, na lumobo ng mahigit sa fourfold sa P409.3 billion mula sa P96 billion noong 2017.

“More important than the record breaking investment level is the strategic importance of these approved projects. This will result in industrial em-powerment, particularly with the upstream, heavy industrial projects that will allow us to expand our capability to manufacture finished goods currently not produced in the country,” pahayag ni Trade Secretary Ramon M. Lopez.

Dagdag pa ni Lopez, ang investments sa key logistics, infrastructure at power projects, kabilang ang liquefied natural gas terminals,  ay magpapalakas sa local industrial production base ng bansa. Guyundin ay itataas, aniya, nito ang antas ng ‘competitiveness’ ng domestic industries, at mag­hahatid ng paglago sa mga rehiyon.

“Equally significant is the positive effect of these projects in addressing the problem of wi­dening trade deficit. As the country continues to grow, demand for industrial products increases. Currently, for certain key categories, demand are mainly met through imports. The agency firmly believes that the best trade strategy is a robust industrial development policy,” paliwanag pa ni Lopez.

Sa datos ng BOI, ang investments sa transportation and storage ay tumaas ng 628 percent sa P129.6 billion mula sa P17.8 billion noong nakaraang taon. Ang pledges sa water and sewerage ay sumipa rin ng 1,498 percent sa P14.3 billion mula sa P894.4 million lamang noong 2017.

“Investment pledges in the accommodation sector also grew 253 percent to P39.9 billion from P11.3 billion last year. On the other hand, applied investments in the retail sector expanded threefold to P8.1 billion from P2.7 billion in the previous year,” sabi pa ng ahensiya.

Sa kabuuan, ang  investments mula sa Filipino firms ay tumaas ng 35 percent sa P803.2 billion mula sa P595 billion noong nakaraang taon. Ang approved offshore pledges ay lumobo naman ng 379 percent sa P104 billion mula sa  P21.7 billion noong nakaraang taon.

Ang diplomatic move ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-alabin ang relasyon sa China ay nagbunga rin ng maganda pagdating sa investments, kung saan ang commitments mula sa Beijing ay sumirit sa P48.7 billion mula sa P575.8 million noong nakaraang taon. Sumusunod ang British Virgin Islands na may P15.6 billion, Singapore na may P13.6 billion, Indonesia na may P7.5 billion at Malaysia na may P2.9 billion.

Ipinahiwatig ni Trade Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino S. Rodolfo Jr. na ang susunod na target ng ahensiya ay maaaring umabot sa P1 trillion mark.

“Given the epic surge in investments for 2018, it is but inevitable to aim for another historic milestone—the trillion mark next year. We are confident of hitting yet another growth in investment registrations next year with the impending entry of big ticket projects as concrete fruits of the administration’s investment roadshows,” ani Rodolfo.   ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.