INVESTMENT PLEDGES LUMOBO SA JANUARY-OCTOBER PERIOD

INVESTMENT PLEDGES-2

TUMAAS ang investments na nakarehistro sa Board of Investments (BOI) ng 26 percent sa P515 billion mula ­Enero hanggang Oktubre.

Dahil dito ay nakaambang maabot ng BOI ang P680 billion target nito para sa taong ito.

Ang commitments sa ahensiya sa nakalipas ang 10 buwan ay mas mataas sa P408 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Napag-alaman na ang pagtaas ay bunga ng investment pledges sa heavy manufacturing. Gayunman ay nagkaroon umano ng pagbaba sa bilang ng mga bagong proyekto na pumasok sa bansa mula Enero hanggang Okrubre.

Ang investments noong Oktubre ay tinatayang nagkakahalaga ng P60 billion, mas mataas ng halos 118 percent mula sa P27.56 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Nakatakdang ipalabas ng BOI ang breakdown ng investment pledges ngayong linggo.

“Investor confidence in the country remains high. The Philippines continues to attract more investments because the economy is strong enough to withstand challenges on both the domestic and international fronts,” pagbibigay-diin ni Trade Secretary at BOI Chairman Ramon M. Lopez sa isang statement noong ­Setyembre.

Ang inaprubahang foreign direct investments ay sumirit din sa P37 billion hanggang noong Setyembre, mas mataas ng 196 percent sa P12.5 billion sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Ang British Virgin Islands ang top source ng FDI sa P15.2 billion, kasunod ang Indonesia (P6.4 billion), Malaysia (P2.9 billion), Japan (P2.6 billion) at China (P1 billion).                ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.