INVESTMENT SCAM IDULOG SA SEC

Investor Protection Director Jose Aquino

NANAWAGAN ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na idulog sa kanilang tanggapan ang mga kaso ng investment scam na kinasasangkutan ng mga ito.

Ayon kay SEC Enforcement and Investor Protection Director Jose Aquino, madalas ay wala silang natatanggap na impormasyon kaugnay sa mga investment scam kapag ang sangkot dito ay mga pulis, sundalo, at iba pang uniformed personnel.

“Whether these are Juan dela Cruz, PNP or military, they should always try to provide us those information. Unless they will be penalized, they will continue. They will just recycle themselves,” pahayag  ni Aquino.

Sinasabing kapag opisyal ang biktima, nahihiya itong magreklamo o magbigay ng impormas­yon, at kung uniformed personnel naman ang sangkot ay hindi na umano umaabot ang reklamo sa kanilang komisyon .

“Usually the complaints that we receive, from ordinary Juan Dela Cruz. Sila ang nagre-report sa amin. ‘Yong military and PNP, they take care of themselves. They easily arrest and apprehend the scammer,” ani Aquino.

Pahayag pa ng opis­yal, marami pang impormasyon ang maaaring makuha sa mga nahuhuli para malaman ang lawak ng scam at laki ng perang nakuha sa mga biktima.

Ayon pa kay Aquino, hindi natatapos ang imbestigasyon sa mga financial or investment scam sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Hindi, aniya, dumaan sa SEC ang investment scam investigation na ikinahuli ni Senior Police Officer 1 Honorio Negrito sa Quezon City nitong taon. Hindi rin umano  na-update ang SEC sa kaso ng bitcoin scam ni Arnel Ordonio na umano ay may mga police protector.

Samantala, hinimok ni Aquino ang mga uniformed personnel na sumailalim sa mga investment education seminar upang maiwasang mabiktima ng mga scammer. VERLIN RUIZ

Comments are closed.