PINASESERTIPIKAHANG urgent ng isang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magre-regulate sa mga investment scheme.
Ito ay para hindi na madagdagan pa ang mga naloloko sa investment scams kung saan ang kadalasang target ay overseas Filipino workers at ang mahihirap.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, kung masesertipikahang urgent, pagpasok ng 18th Congress ay agad na nilang matatrabaho ang nasabing panukala.
Hinikayat din ni Garbin si Finance Secretary Carlos Dominguez III at ang Securities and Exchange Commission (SEC) na irekomenda kay Pangu-long Duterte ang pagpapasertipika bilang urgent sa naturang panukala.
Hiniling pa ng kongresista ang pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga sangkot sa scam.
Nabatid na sa 17th Congress ay may nakabimbing panukala hinggil dito sa dalawang kapulungan ng Kongreso pero hindi naaksiyunan.
Ngayong taon lamang ay nasa 16 advisories na ang inilabas ng SEC laban sa investment scams, kabilang ang Kapa Com-munity Ministry na kinasuhan nito sa Department of Justice (DOJ). CONDE BATAC
Comments are closed.