INVESTOR’S NIGHT NG SANDARI BATULAO MATAGUMPAY

SANDARI BATULAO

NAGING matagumpay ang Investor’s Night ng Sandari Batulao noong Hulyo 27 sa Happy Garden Café sa Bel-Air, Makati City kung saan tatlo sa mga bumili ng lote sa nasabing property development ay nagpahayag ng 100% satisfaction sa pag-acquire ng lupain.

Maureen Azarcon
Maureen Azarcon, Vice President for Sales ng CPMC.

Ang Sandari Batulao na dinebelop ng Citystate Properties and Management Corp. (CPMC), ay isang nature centric property development sa paanan ng Mt. Batulao at Mt. Talamitam sa Nasugbu, Batangas.

Naging sentro o promosyon ng Investors’ Night ang ikalawang phase ng Sandari Batulao—ang Dima na tinawag na “ holistic wellness village”. May lawak itong 19 ektarya

Ayon kay Maureen Azarcon, Vice President for Sales ng CPMC, ang konsepto ng Dima ay nakasentro sa wellness, alinsunod sa nais ng pangulo nito na si Dominga Michelle Cabangon.

DIMA: MALUSOG AT MAPAYAPANG PAMUMUHAY

Architectural design ang unang pang-akit ng nasabing lugar. Gayundin ang mabilis na travel time sa pinapasukang paaralan, trabaho at lalong-lalo na sa madalas na pinupuntahan ng marami, ang shopping malls.

Lahat na ng ideya para sa magandang tahanan at kapaligiran ay naibigay na ng iba’t ibang developer. Pero hindi lamang ito ang inaalok ng Dima kundi ang pagiging malusog, masaya at mapayapang pamumuhay. Angkop na angkop nga naman dito ang tawag na “holistic wellness village”.

KOMBINASYON NG MAN-MADE AT NATURAL MADE ARCHITECTURAL DESIGNS

Sa loob ng Sandari Batulao ay matatagpuan ang 25-meter infinity pool, ang nag-iisang river pool sa South.

Maganda sa paningin ang nasabing pool. Lalo pang tu­mingkad ang kagandahan nito dahil sa galing ng taong gumawa niyon.

Bago ang Dima, una munang itinayo ang Nale. Isa itong residential village na ang pangalan ay hango sa Tagalog goddess.

May lawak itong 41 ektarya. Isa rin itong scenic garden community na may tatlong provate enclaves: Bamboo, Fern at Palm.

Ang pangalang Dima ay hango rin sa Tagalog ancient of God na sinasabing kabiyak ni Nale. Isa rin itong matatawag na sanktuwaryo dahil sa luntian nitong kapaligiran. Sa pusod nito ay ang natural river na makapagdudulot ng ibayong katahimikan ng isipan at katawan.

EAT. MOVE. SLEEP

Hindi maitatanggi ang pagiging paraiso ng Dima na mayroong tatlong principle—ang eat, move and sleep.

Dahil isang “holistic wellness village” ang Dima, healthy ang mga pagkain dito, maaari ka ring mag-jogging, walking, hiking, biking, swimming at kung ano-ano pang physical activities na makatutulong upang ma­ging malakas at malusog ang pa­ngangatawan. Panigurado ring magiging mahimbing ang iyong tulog dahil sa katahimikan ng lugar, malinis na hangin at ang magandang klima.

Ayon kay Markie Almazora ng CPMC Marketing team, ito na ang ikalawang Investors’ Night at umaasa silang sa pamamagitan ng pagtitipong ito ay makahihimok sila ng iba pang mga investor na magtitiwala sa Dima.

Investors ng Sandari Batulao
ANG tatlong investors ng Sandari Batulao na sina (mula kaliwa) Yet Gorospe, Fe Labaco at Liza Borela kasama si Markie Almazora ng CPMC marketing team.

3 INVESTORS NAGPAHAYAG NG SATISFACTION

Tatlo sa nakabili ng lote sa Sandari Batulao ang nagsabing masaya sila sa kanilang naging desisyon. Sulit umano ang kanilang ginawang pag-i-invest dahil sa kagandahan ng lugar.

Una ay si Yet Gorospe na umaming ang nakahimok sa kanya para bumili ng lote ay ang green environment.

Ikalawa, si Fe Labaco na sa ngayon ay mayroong tatlong lote. Una umano niyang nabili ang lote noong 2014. Dahil napatunayan niyang maganda itong investment ay nagdagdag siya ng dalawa pang lote.

Ayon pa kay Fe Labaco, pinaplano nilang patayuan ng bahay ang nabiling lote para roon manirahan.

Ang ikatlong investor na nagpahayag ng kaligayahan sa pag-invest ng lote sa Sandari Batulao ay si Liza Borela. Isang taon na siyang naninirahan sa tinaguriang wellness community at nature haven.

Samantala, sinabi ni Azarcon na ang karaniwang bumibili ng lote sa Sandari Batulao ay mga overseas Filipino worker (OFW), young professionals at maging ang retirees.

Ang CPMC ay property development arm ng ALC Group of Companies na itinaguyod ng dating chairman nito na si Amb. Antonio L. Cabangon Chua. Nina EUNICE CALMA at CHE SARIGUMBA / Kuha ni RUDY ESPERAS

Comments are closed.