Naging masalimuot ang PCSO sa linggong nagdaan,
Matapos ipatigil ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Lotto na nakagiliwan.
Marami sa Mananaya ang nabigla at nanghinayang,
Katuwiran nila ay napurnada, ang pangarap nilang pagyaman!
Hindi masisisi Ang Presidente sa kanyang biglaang pagpapasiya…
Dahil aniya ang Lotto ay nagiging ugat ng anomalya…
Talamak aniya ang pananamantala ng iba…
May mga personalidad sa kita ng Lotto ay nananamantala!
Hindi maitatanggi na malawak ang network ng Pangulo
May mga detalyadong impormasyon na tinatanggap ito.
Sa apat na araw na pagpapahinto niya sa Lotto Draw…
May kasunod na hakbang na ginawa sa PCSO.
Kaya nito ngang nakalipas na Miyerkoles…
Nagtipon muli sa PCSO ang mga alagad Ng Press…
Sa kanila ay isiniwalat at ipinabatid…
Paglulunsad ng programang “IPAALAM KAY GM!”
Layon nitong mabatid ng Pangkalahatang Tagapamahala
Ang anumang reklamo, komendasyon at suhestiyon ng Balana.
Sa ganitong paraan pamunuan ng PCSO ay may tiwala…
Masusugpo at mauubos na ang elemento na sa tanggapan ay Sumisira.
Kaya naman narito ang mga Numerong Mahahalaga,
PCSO hotline na mapagsusumbungan ng Madla…
Sa SMART 0998-406-86-40 ay inyo nang ilista…
0956-965-43-81 sa Globe tandaan n’yo rin, oh ‘di ba.
Ano mang masamang mga balakin at motibo
Higit lalo ng mga empleyado ng Gobyerno…
Hindi magtatagumpay ang alin sa mga ito…
Kung magsusumbong ang mga taong bayan ng Totoong Reklamo!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.