Ipag-adya kami sa El Niño

Leanne Sphere

Nagbabanta na naman ang tagtuyot. Kung bakit kasi ang klima ng Pilipinas ay palagi na lamang naapektuhan ng El Nino Southern Oscillation (ENSO). May kinalaman ang El Nino sa mataas na tsansa ng mas tuyong kundisyon. Sa nagdaang dalawang dekada, nakaranas ang Pilipinas ng kakaibang tagtuyot at pagkatapos ay matinding pagbaha, dahil ang kasunod ng El Nino ay La Nina na kabaligtaran naman ng tagtuyot.

Maraming problemang dala ang El Niño. Halimbawa na lang, health problems, kung saan kasama ang disease outbreaks, malnutrition, heat stress, at respiratory diseases. Pero small time problem yan. May mas malaking problemang dala ang El Niño sa bansa. Apektado kasi nito ang panahon. Mas mainit ang tubig sa karagatan, mas apektado ang mga isda. Mamamatay sila at walang mahuhuli ang mga mangingisda.

Syempre, sa panahon ng El Niño, mas mainit ang temperatura, kakaunti ang ulap sa kalangitan, at below-normal ang ulan – kung hindi wala na talagang ulan kahit hindi pa naman dry season. Kadalasan nga, nababalam ang tag-ulan.

Malaki ag epekto ng El Niño sa temperatura ng dagat, bilis at lakas ng ocean currents, kalusugan ng coastal fisheries, at sa pangkalahatang weather condition. Kadalasang nagaganap ang El Niño sa dalawa hanggang pitong taong pagitan.

Nagkakaroon ng El Niño occurs kapag nagkaroon ng mainit na tubig sa equator ng silangang Pacipiko. Pinaiinit ng ocean surface ang atmospera, kung saan nagiging halumigmig ang hangin na nadedebelop para maging bagyo.

Tagtuyot ang dulot ng El Niño na malaking banta sa food production, pero pagkatapos ng El Niño, kasunod na ang La Nina na nagdadala naman ng matitinding ulan, baha o matinding init o lamig ng panahon.

Isang phenomenon ang El Niño sa equatorial Pacific Ocean, na mayroong positibong paglisan ng sea surface temperature sa normal na temperatura (1971-2000 base period) sa Niño 3.4 region, na mas malaki o kahalintulad ng magnitude sa 0.5 degrees C (0.9 degrees Fahrenheit), na average na higit sa tatlong magkakasunod na buwan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na mananalasa ang El Niño sa Pilipinas hanggang 2024. Hindi na ito bago dahil ang huling El Niño sa Pilipinas ay 2018 hanggang 2019, bago nagsimula angf pandemya. Ang pinakamalakas na impact nito ay naramdaman sa Mindanao, kung saan may 74 katao ang namatay at halos kalahating milyong agricultural families ang kinapos ng pagkain.

Naapektuhan ng nasabing El Niño episode ang mahigit 32,000 ektaryang palayang naiwang nakatiwangwang at natutuyo sa unang nahagi pa lamang ng taon. Sakaling manalasa na naman ang El Nino, sana lang, mas handa na tayo. RCLNB