(Ipagagamit sa Baguio City) HOME TESTING KIT VS COVID-19

PARA sa mabilis na detection, papayagan na sa Baguio City ang paggamit ng easy-to-use coronavirus disease 2019 (Covid-19) home testing kit.

Layunin nito na mismong may katawan na ang magmomonitor sa kanilang katawan kung kinakailangan at ito ay pagpayag sa ma-test ang sarili niya.

Sinabi ni City information office chief Aileen Refuerzo, na pinayagan ni Mayor Benjamin Magalong Jr. ang paggamit ng antigen self-test kits upang mapangalagaan ng bawat pamilya ang kanilang kalusugan laban sa nasabing virus.

Sinabi pa ni Refuerzo na ang kanilang lungsod ang kauna-unahang gagamit ng do-it-yourself testing kits na ginagamit sa US, Canada, Europe at Singapore.

“Our city could be the pilot site for this do-it-yourself testing kits that are widely used in the US, Canada, Europe, and Singapore,” ayon pa kay Refuerzo.

Sa datos ng local authorities, aabot sa 316,231 tests ang naitala sa lungsod.

Sa pagpasok ng 2022, naitala sa lungsod ang 64 COVID-19 infections.

Sinimulan na rin sa Baguio City ang vaccination registration para sa edad 5 hangang 11.

“Approve na sa national ang vaccination ng mga maliliit na bata kaya sinimulan na natin maglista para pag nag-rollout, ready na tayo (The national government has approved the vaccination for the children’s age group that is why we are already registering so we’ll be ready when rollout starts),” ayon kay Refuerzo.

Hanggang Disyembre 30, 2021, naabot ng lungsod ang 63.55 percent full vaccination rate sa edad 12 hanggang 17 o 27,207 mula sa 42,811 target.

Ang adult population sa Baguio Cikty ay 91.10 percent fully vaccinated, na katumbas sa 255,997 mula a 281,000 eligible target.

Ngayong araw ay balik-vaccination rollout sa nasabing lungsod.