(Ipagkakaloob ng DA) P852-M AYUDA SA ‘ODETTE’-HIT AGRI SECTOR

AAYUDAHAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette gamit ang P852.47 standby funds.

Ang budget ay kinabibilangan ng  PP500 million Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar; P148 million na halaga ng rice seeds; P57.6 million na halaga ng corn seeds; P44.6 million na halaga ng assorted vegetables; at P100 million sa ilalim ng  Survival and Recovery Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council.

Magkakaloob din ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng P164 million na halaga ng fingerlings at assistance habang P625,150 halaga ng drugs and biologics ang ipamamahagi para sa  livestock at  poultry needs.

Inanunsiyo rin ng DA na may available funds mula sa  Philippine Crop Insurance Corporation para sa bayad-pinsala sa mga apektadong magsasaka.

Patuloy ang ahensiya sa pagsasagawa ng assessment sa damage and losses na iniwan ni  “Odette” sa agri-fisheries sector.

Nakikipag-ugnayan ito sa mga kinauukulang national government agencies, local government units, at disaster response-related offices.

Bago ang bagyo, may total area na 11,454 ektarya ng bigas ang inani mula sa Mimaropa, Regions 6, 8, 9, 11, at 12 na may katumbas na produksiyon na 34,433 metric tons na nagkakahalagang P615.53 million.

Para sa mais, nasa 2,452 ektarya ang inani mula sa Calabarzon, Mimaropa, Regions 8, 9, 11, at Caraga na may katumbas na produksiyon na  6,965 metric tons na nagkakahalagang P82.55 million. PNA