NILAGDAAN sa pagitan ng Department of Agrarin Reform (DAR) at ng Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) ang isang joint memorandum circular No. 4 na naglalayong magkaloob ng P1 bilyon bilang agricultural insurance premium para sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong bansa.
Ayon kay DAR Secretary Bro. John Castriciones, ang programa ng DAR-PCIC na Agrarian Reform Beneficiaries-Agricultural Insurance Program (ARB-AIP), ay sumasaklaw sa mga pananim ng mga magsasaka na nasira ng mga sakit, peste at mga natural na kalamidad, tulad ng mga bagyo, baha, pagkatuyot, buhawi, lindol, at pagsabog ng bulkan.
Layon nitong mapagaan at mailipat ang peligrong dulot ng pagkalugi sa agrikultura dahil sa mga peste, sakit sa pag-atake at epekto ng pagbabago ng klima at iba pang mga natural na kalamidad
Aniya, ang DAR at PCIC ay nagsusumikap upang matiyak na 100 porsiyento ng mga ARB ay masasakop sa ilalim ng ARB-AIP at mapagkalooban ng napapanahong mga suporta mula sa iba pang mga kabalikat na mga organisasyon.
Subali’t binigyang diin ng kalihim na ang ARBs lamang na nakalista sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang makakakuha ng insurance program.
“Ang insurance program ay malaking tulong sa mga magsasakang-benepisyaryo dahil ginagarantiya nito na makakabangon silang muli sa pagkalugi sa kanilang sakahan sanhi ng mga natural na kalamidad,” saad ni Castriciones.
Ang DAR aniya, sa pamamagitan ng mga opisina nito sa mga lalawigan, ay tutukoy ng mga ARB at mga miyembro ng kanilang pamilya na nakatala sa RSBSA sa kanilang lugar na karapat-dapat na makakuha ng libreng insurance coverage.
Idinagdag pa ni Castriciones na tutulong din ang DAR sa paghahanda ng napapanahong pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento para sa mga habol na bayad-pinsala sa mga magsasaka at sa pagsasagawa ng claims adjustment verification on notices of loss at mga paghahabol na isinampa ng mga naapektuhang mga ARBs.
Ang PCIC ay siniguro ang pagbibigay ng insurance coverage sa mga kwalipikadong nakarehistro sa RSBSA at mga miyembro ng kanilang pamilya.
Upang matiyak ang epektibo at maayos na pagpapatupad ng ARB-AIP, ang DAR at ang PCIC ay nagkasundo na bubuo ng operations team, secretariat, at DAR-PCIC Regional Coordinating Team.
Isang katulad na insurance program ang matagumpay na naipatupad na noong 2013, kung saan ang DAR ay naglaan ng P1-bilyong pondo para sa farmers’ insurance premium. Mahigit sa kalahating milyong mga ARB sa buong bansa ngayon ang patuloy na nakatala sa ilalim ng programa.
Para sa 2019 at 2020, ang DAR ay humiling ng insurance fund nagkakahalaga ng isang bilyong piso sa bawat naturang taon bilang insurance premium subsidy para sa mga ARB mula sa General Appropriations Act ng PCIC. BENEDICT ABAYGR, JR
879256 381952Right wow messages are bound to show your and supply memorialize the speacial couple. Beginner sound system to high in volume crowds should always take a look at all of the fantastic value behind presenting and public speaking, which is to be someones truck. very best man speeches brother 228564
Excellent pieces. Keep posting such kind of information on your
page. Im really impressed by your blog.
Hey there, You have done a fantastic job. I will certainly digg it and personally recommend
to my friends. I’m confident they will be benefited from this site.
120253 960410Hi, you used to write superb articles, but the last several posts have been kinda boring I miss your tremendous posts. Past few posts are just a bit out of track! 82989