(Ipagkakaloob ng ilang resto, retailers simula sa Hunyo 1) VACCINE DISCOUNT, INCENTIVES

vaccine

SIMULA sa Hunyo 1 ay may ilang res­ taurant at retailer na magbibigay ng discount at incentives sa lahat ng mga nabakunahan na kontra COVID-19.

Layon nito na maengganyo ang mga Filipino na magpabakuna.

Gayunman, hindi ito maaaring isabay sa ibang discount tulad ng senior citizen at PWD.

Ayon kay Eric Teng, presidente ng Resto.PH, beberipikahin din nila kung ang mga dokumento ay peke o hindi.

Para makakuha, aniya, ng discount, kakailanganing mag-dine in ang customer.

Magkakaloob naman ng dicount o freebies ang ilang retailers tulad ng mga department store, hardware, pharmacy, shoe store at iba pa.

Nilinaw ni Teng na voluntary ito, at kanya-kanya silang diskarte upang makatulong para mas dumami ang magpapabakuna.

Naniniwala ang mga negosyante na mas mabilis na makakabawi at sisigla ang mga negosyo kung marami ang magpapabakuna sa buong bansa.

7 thoughts on “(Ipagkakaloob ng ilang resto, retailers simula sa Hunyo 1) VACCINE DISCOUNT, INCENTIVES”

  1. 824816 270325Today, while I was at work, my sister stole my iphone and tested to see if it can survive a 30 foot drop, just so she can be a youtube sensation. My iPad is now broken and she has 83 views. I know this is totally off topic but I had to share it with someone! 359036

Comments are closed.