(Ipagkakaloob ng LandBank)SCHOLARSHIP SA ANAK NG FARMERS, FISHERS

MAGKAKALOOB ang Land Bank of the Philippines (Land­ Bank) ng P100,000 halaga ng scholarship grants kada taon sa 60 anak ng agrarian reform beneficiaries m(ARBs), farmers, at fishers.

Sa ilalim ng Iskolar ng LandBank Program, ang state-run lender ay pipili ng 60 scholars kada taon mula 2023 hanggang 2028, at bibigyan ang mga ito ng P100,000 para sa allowance at gastos sa mga libro, damit at iba pang course requirements.

Ang mga eligible para sa grant ay mga anak at apo ng ARBs o maliliit na magsasaka at mangingisda na graduating high school students na may minimum average grade na 90% o nabibilang sa top 10% ng kanilang klase.

Dapat din silang magsumite ng letter of endorsement mula sa kanilang senior high school principal, magpasa ng admission requirements ng partner State Colleges and Universities (SUCs), may total family income na mas mababa sa P300,000, at walang tinatanggap na iba pang financial assistance, grant, o scholarship.

Ang mga mapipiling scholars ay maaaring mag-enroll sa mga kurso tulad ng horticulture, animal science, food technology, data analytics, information technology, accounting, agribusiness management, and agricultural, IT, industrial o management, civil, and mechanical engineering.

Ang Iskolar ng LandBank graduates ay aalukin ng on-the-job (OJT) training sa LandBank branches at lending centers, kabilang sa partner agencies at institutions.

Ayon kay LandBank President and CEO Cecilia Borromeo, nais nilang magkaroon ng makabuluhang epekto ang Iskolar ng LandBank Program sa buhay ng mga deserving student na tunay na higit na nangangailangan ng tulong.