MAGKAKALOOB ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P6,000 fuel subsidy sa lahat ng public utility vehicle (PUV) drivers sa Agosto.
Ayon sa Balitanghali report ng GTV, ito ay upang mapagaan ang epekto ng big-time oil price hike na ipinatupad simula kahapon.
Inanunsyo noong Lunes ng mga kompanya ng langis ang pagtataas sa presyo ng kada litro ng gasolina ng P1.90, diesel ng P2.10, at kerosene ng P1.80.
Ang taas-presyo sa petrolyo ay dahil sa pagbabawas ng suplay at inaasahang pagtaas ng demand.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hulyo 11, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.65 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P2.95 kada litro at kerosene ng P5.50 kada litro.