INATASAN ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang lahat ng opisyal ng BIR na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa illicit vape at cigarette traders.
Ang direktiba ay kasunod ng pagpupulong ng Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group sa Malacañang noong May 8, 2024, kung saan dumalo si Presidente Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang illicit vape at cigarettes, ibinebenta man sa online o sa mga ordinaryong tindahan, ay tax evasion.
“It is criminal in nature. The nationwide forces of the BIR have their orders to continue raiding and filing criminal cases against any individual or business that is involved in the illicit vape and cigarette trade. We have warned you as early as 2022. We have raided and filed criminal cases as early as 2022. Register your business and pay your taxes. You are destroying an industry that provides millions of jobs to Filipinos,” sabi ni Commissioner Lumagui.
Si Commissioner Lumagui ay tuloy-tuloy sa kanyang kampanya laban sa illicit vape at cigarettes magmula noong 2022.
Sinalakay ng BIR ang vape warehouses sa Manila noong November 2022. Isang P1.2 billion criminal case ang isinampa noong December 2022. Nanalo ang BIR sa kasong ito, at inisyu ang warrants of arrest.
Nagsagawa rin ang BIR, sa unang pagkakataon sa kasaysayan nito, ng nationwide raid laban sa illicit cigarettes noong January 2023. Isang P1.8 billion criminal case ang inihain noong May 2023 bunga ng nationwide raid na ito. Isa pang nationwide raids laban sa illicit cigarettes ang isinagawa noong July 2023.
“Mula 2022, wala nang tigil ang BIR sa pag-raid at pag-sampa ng kaso laban sa illegal na vape at sigarilyo. Matagal niyo nang alam na mali ang ginagawa niyo. Ang mga may hawak at may aktwal na kontrol sa mga illegal na vape at sigarilyo ay kasama sa sasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo. Maaaring umabot ng hanggang sampung ulit ang mga penalty na ipapataw sa mga makakasuhan.Sinisira niyo ang isang industriya na nagbibigay trabaho sa milyon-milyong Pilipino. Puwede kayo mag-register at magbayad ng tamang buwis. Para sa mga gumagawa ng tama, asahan niyo na tutulungan po kayo ng BIR. Para sa mga ayaw sumunod, hindi kayo titigilan ng BIR kahit online o sa mga tindahan pa kayo nagbebenta,” dagdag pa ni Commissioner Lumagui.