IPAGPAPATULOY ng Pilipinas at New Zealand ang kooperasyon sa geothermal energy.
Nilagdaan nina Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi at New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell ang Second Amendment to the Arrangement on Geothermal Energy Cooperation sa pagitan ng dalawang bansa nitong Biyernes
Ayon kay Cusi, ang pagpapatuloy ng kooperasyon ay nakahanay sa pagsusulong ng bansa sa indigenous energy bilang pagkukunan ng koryente.
“We welcome the formalization of the Second Amendment to the Arrangement on Geothermal Energy Cooperation which comes at such an opportune time, considering that one of our primary goals is to revitalize the state of geothermal energy development and utilization in the Philippines,” ani Cusi.
Sa ilalim ng kasunduan ay magkakaroon ng palitan ng ‘best practices at technical expertise’ sa sektor ng geothermal energy.