(Ipalalabas ng DTI, DA) BAGONG SRP SA IMPORTED NA KARNENG BABOY

baboy

NAKATAKDANG magpalabas ang Department of Agriculture (DA) at ang   Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong suggested retail price (SRP) sa imported na karneng baboy.

Ito ay makaraang magkasundo ang mga economic manager at ang Senado na baguhin ang taripa para sa imported meat products.

“Ang presyo po iba-base sa pinal na taripa. We are now making the calculations and we are doing this in tandem with the Department of Trade and Industry,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar sa Laging Handa briefing kahapon.

Ayon kay Dar, ang bagong SRP sa imported pork at pork products ay iaanunsiyo sa darating na linggo.

Nauna nang itinakda ng DA ang SRP sa imported pork sa  P270/kilo para sa kasim at P350/kilo sa liempo.

Ipinaliwanag ni Dar na kailangang baguhin ang SRP para maipakita ang bagong tariff rates na napagkasunduan ng mga economic manager at ng Senado.

Sa pakikipag-usap sa Senado, sinabi ng mga economic team member at ni  Dar na inirekomenda nila na i-adjust ang tariff rates sa EO (Executive Or-der) 128 sa 10% in-quota at 20% para sa  out-quota sa unang tatlong buwan; at 15% in-quota at 25% para sa out-quota sa nalalabing siyam na buwan.

Sa EO 128 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ibinaba ang taripa sa 5% hanggang 20% mula 30% hanggang 40% sa loob ng isang taon sa gitna ng negatibong epekto ng African swine fever (ASF) sa suplay ng baboy.

Kinuwestiyon ng mga senador ang naturang EO dahil ang pagbabawas sa taripa ay makapipinsala umano sa mga local hog raiser.

“There will be a new Executive Order, highlighting or mentioning itong pagbaba ng taripa,” ani Dar.

One thought on “(Ipalalabas ng DTI, DA) BAGONG SRP SA IMPORTED NA KARNENG BABOY”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *