(Ipamamahagi hanggang sa Hunyo 25) 2ND TRANCHE NG SAP TARGET TAPUSIN AGAD

Rene Glen Paje

TARGET ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matapos hanggang Hunyo 25 ang pamamahagi sa second tranche ng social amelio­ ration program (SAP).

Matatandaan na hanggang Hunyo 25 lamang ang buhay ng Bayanihan to Heal as One Act kung saan nakapaloob ang P200-M na pondo para sa SAP.

Ayon kay DSWD Undersecretary Glen Paje, naipadala na nila ang ayuda para sa may 1.3 milyon na naka-enroll sa 4Ps at umaarangkada na rin ang pamamahagi ng SAP sa Cordillera Administrative Region at Baguio City.

Inaasahan namang masisimulan na ngayong linggo ang pamamahagi sa Davao, Regions 4-B, 5, 9 at Caraga.

Sinabi ni Paje na kumpiyansa silang mas mabilis na ang pamamahagi ngayon ng SAP dahil gagamitan na nila ito ng digital platform tulad ng Gcash, Landbank, Paymaya at iba pa.

Nasa 17 milyon ang target na mabigyan ng pangalawang ayuda sa ilalim ng SAP, kabilang ang  limang milyon na idinagdag ng Pangulong Rodrigo Duterte. DWIZ882

Comments are closed.