(Ipamamahagi na ngayong buwan o sa Abril) FUEL SUBSIDY SA FARMERS, FISHERS

Noel Reyes

INAASAHANG maipamamahagi na ang fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda sa huling linggo ng Marso o sa kaagahan ng Abril.

Ayon kay Agricuture Assistant Secretary Noel Reyes, nasa 162,000 corn farmers ar fishers at mabibiyayaan sa  P500-million subsidy kung saan ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng P3,000 na ipamamahagi via debit card.

Ang pahayag ng DA ay kasunod ng anunsiyo ng mga kompanya ng langis na big-time price hike sa petrolyo ngayong Martes.

Ang presyo ng kada litro ng diesel ay tataas ng P5.85, gasolina ng  P3.60, at kerosene ng P4.10.

Noong nakaraang buwan ay sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nakahanda na ang guidelines para sa pamamahagi ng fuel subsidy subalit hindi pa mailabas ang pondo.

“Itong pamimigay ng fuel subsidy ay may trigger mechanism bago ibigay, dapat ma-reach ‘yung gasoline price na $80 per barrel. Wala pa tayo diyan,” ani Dar.