INIHANDA na ng Department of Agriculture (DA) ang P164.27 million na halaga ng agricultural inputs na ipamamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng pananalasa ni Super Typhoon Julian.
Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, ang available interventions ay kinabibilangan ng pre-position ng agricultural inputs tulad ng rice, corn, at vegetable seeds.
“Up to PHP25,000 loanable amount from the Survival and Recovery (SURE) Loan Program of the Agricultural Credit Policy Council (ACPC), payable in three years at zero interest; and Indemnification of insured affected farmers through the Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), are also available,” dagdag pa ng ahensiya.
Sa kasalukuyan, nasa 20,134 magsasaka ang apektado sa Central Luzon at Cagayan at Ilocos regions.
Ang pinsala sa pananim ay nasa 19,151 metric tons (MT) na nagkakahalaga ng PHP481.27 million, kung saan ang rice sector ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala sa 17,585 MT na nagkakahalaga ng PHP348.42 million.
Ang Ilocos Norte ang itinuturing na hardest-hit area.
Ang halaga ng pinsala sa irrigation facilities sa Cagayan, Isabela, at Ilocos Norte ay nagkakahalaga ng PHP92.68 million; corn industry sa PHP35.75 million; high-value crops sa PHP3.96 million; at livestock and poultry sa PHP472,550.
Ayon sa DA-DRRM, nagpapatuloy ang validation at assessment dahil dumarating ang mga report mula sa iba pang regional offices.