INIHANDA na ng Department of Agriculture (DA) sa Bicol ang buffer stocks na nagkakahalaga ng P202 million bilang ayuda sa 13,623 magsasaka na naapektuhan ng bagyong Enteng.
Sa isang phone interview, sinabi ni Lovella Guarin, DA-Bicol spokesperson, na ang interventions ay kinabibilangan ng seeds ng hybrid rice, corn, at assorted vegetables na nakahanda nang ipamahagi sa mga magsasaka sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.
“We encourage our farmers to report their losses to their municipal agriculture offices. They can also avail assistance to the Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) for their crop insurance claim,” sabi ni Guarin.
Aniya, base sa datos, ang initial estimates ng agricultural damage sa rehiyon ay nasa P350.85 million, o 14,814 metric tons ng mga pananim.
“The total affected areas were 8,893 hectares, including high-value crops, corn, and rice. The 5,797 had a chance of recovery, while the 3,096 had no chance of recovery,” dagdag pa niya.
Ang napinsalang mais, karamihan ay nasa vegetative at reproductive stages, ay umabot sa tinatayang 739 metric tons na nagkakahalaga ng P14.01 million.
Para sa bigas na nasa reproductive at maturity stages, ang pinsala ay umabot sa 13,887 metric tons, o P333.08 million.
Para sa high-value crops, may 188 metric tons ang napinsala na nagkakahalaga ng P3.76 million. Kinabibilangan ito ng talong, kalabasa, ampalaya, okra, sitaw (string beans), kamatis, hot pepper, bottle ground, pechay, at pipino.
Patuloy pa ring ina-assess ng DA Bicol ang pinsala at losses na dulot ni “Enteng” sa rehiyon. ULAT MULA
SA PNA