(Ipamamahagi ng DOLE) FREE BIKES SA FOOD COURIERS

bike

MAMAMAHAGI ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng bisikleta sa buong bansa sa mga manggagawang nawalan ng trabaho na nais maging food couriers.

Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla,   nakatakdang ilunsad sa susunod na linggo, ang programa ay naglalayong makapagbigay ng paunang  900 bisikleta sa mga benepisyaryo na sasailalim sa training sa traffic regulations at financial literacy, gayundin sa occupational safety at health standards,

Ang mga benepisyaryo ay tatanggap din ng insulation bag, protective helmet, reflective vest, bike rack, cellphone at  load wallet.

“Dahil nagkaroon nga po ng bicycle boom bunsod ng COVID-19, naisip din po ni [DOLE] Secretary [Silvestre] Bello na bigyan ‘yung ating displaced workers, particularly po ‘yung nasa informal sector na naapektuhan o nawalan ng kabuhayan, magbibigay po ng bisikleta,” pahayag ni Trayvilla sa Laging Handa briefing.

Aniya, ang mga nais magkaroon ng bisikleta ay maaaring makipag-ugnayan sa DOLE field offices.

Ilulunsad ang programa sa Lunes sa Metro Manila, simula sa Mandaluyong, Pasig, Muntinlupa at Manila. Plano rin ng ahensiya na mamahagi ng bisikleta sa Cebu at iba pang rehiyon.

Comments are closed.