(Ipamamahagi ng DSWD) P10-K SA PAMILYANG APEKTADO NG LINDOL

NAGLABAS ng mahigit P10 milyong pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tulong pinansiyal sa mga residenteng naaapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, nasa P10,000 ang ibibigay nila sa kada pamilya.

Sa kabila nito, aminado ang DSWD na hindi sasapat ang nasabing halaga para sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay na winasak ng lindol.

“Hindi ko alam kung kayang nagpatayo ng bahay ang P10,000 dahil alam naman natin na sa panahon ngayon ay nagtaasan ang mga bilihin at materyales kaya dapat ay kailangan nang pumasok dito ang Department of Housing Human Settlement , NHA at PAGIBIG.

Samantala, inatasan na ni Tulfo ang mga kawani ng ahensiya sa Central Office na maglabas ng bagong form para sa mga humihingi ng tulong pinansyal.

Ito ay makaraang mapansin ni Pangulong Bongbong Marcos ang mahabang form na kailangang sulatan ng mga residenteng naapektuhan ng lindol para mabigyan ng tulong.

“Labing dalawa ang sasagutan doon, kung may 12 anak ka ilalagay mo ang pangalan ng 12 anak mo, birthday, anong grade na, anong probinsya, saan ka pinanganak, saan pinanganak si misis, bakit hindi nalang yung nagki claim ang isulat sa details nya at yung purpose, hindi po ba mas mabilis iyon, at least anim na question tapos. Yun ang iprisinta mo sa COA, sabihin ito po COA ito po ang nag claim andito po ang pangalan, address, puntahan po ninyo kung nagdududa kayo,” pahayag ni Tulfo. BETH C