(Ipamamahagi ng DSWD)P500-M CASH AID SA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE

DSWD-SAP2

Sa isang briefing nitong Huwebes, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na sisimulan ang distribusyon sa Agosto 20, at magpapatuloy tuwing Sabado hanggang Setyembre 24.

Ayon kay Tulfo, layon ng programa na matulungan ang mahihirap na estudyante sa buong bansa.

“Meaning children coming from poor families will be given cash assistance to buy their school supplies or whatever they need in school.”

Aniya, ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ang ipamamahaging cash assistance ay nakadepende sa education level ng mga benepisyaryo: P1,000 para sa elementary, P2,000 sa high school, P3,000 sa senior high school at P4,000 para sa college o vocational students.

Hanggang tatlong anak mula sa bawat pamiltya ang maaaring tumanggap ng ayuda.

Ang mga recipient ay maaaring magtakda ng appointment sa DSWD o mag-walk in para makuha ang cash assistance.

Gayunman, sinabi ni Tulfo na mas makabubuti na makipag-appointment muna sa pamamagitan ng e-mail.

“Don’t worry, bayan, nakasubi na ‘yan para hindi kayo maubusan,” aniya. “We saved around P500 million na pondo para sa mga estudyante na indigent na kailangan ng mga gamit.”

Maaaring kunin ng mga estudyante o ng kanilang mga magulang ang cash assistance, magdala lamang ng pruweba ng enrollment at isang valid ID.