INANUNSYO ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno ang kanilang mid-year bonus simula ngayong araw Mayo 15.
“I am pleased to announce that our civil servants will receive their mid-year bonus this year. As always we remind all government agencies and offices to ensure the prompt and timely release of bonuses to their employees in accordance with our existing rules and regulations,” ani Pangandaman.
“As always, we remind all government agencies and offices to ensure the prompt and timely release of bonuses to their employees, in accordance with our existing rules and regulations. This will begin on May 15,” dagdag ng kalihim.
Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno as of Mayo 15. Ito ay ibinibigay sa mga karapat-dapat na mga kawani na nagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon at dapat ay nakatanggap ng hindi bababa sa satisfactory performance rating sa pinakahuling rating period.
Ang mid-year bonus ay matatanggap ng mga civilian personnel, kasama ang mga regular, casual, at contractual employees. Kasama rin dito ang mga appointive o elective positions, maging full-time o part-time, sa mga sangay ng Executive, Legislative, at Judicial branches, Constitutional Commissions, ibang pang Constitutional Offices, State Universities and Colleges (SUCs), at Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) na sakop ng Compensation and Position Classification System (CPCS), pati na rin ang mga local government units (LGUs).
Maging ang mga military at uniformed personnel kasama rito ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Department of National Defense, pati na rin ang mga personnel mula sa Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority ay makakatanggap ng naturang bonus.
Samantala, ang mid-year bonus para sa mga kawani sa mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay ay itatalaga ng kanilang mga sanggunian, na napapailalim sa mga kondisyon ng patakaran para sa layunin sa ilalim ng itinatakdang DBM Circular.
EVELYN QUIROZ