(Ipapatupad ng MIAA) RIGODON NG AIRLINES SA NAIA

NAKATAKDANG ipatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang major re-assignment ng airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAAI) sa darating na Disyembre upang maiwasan ang passenger congestion partikular sa NAIA Terminal 2 at Terminal 4.

Ayon sa impormas­yon magsisimula ang rigodon ng airlines sa Disyembre 1 kung saan ang Philippine Airlines (PAL) flights papuntang United States, Canada, Middle East at Bali (Denpasar) ay malilipat sa NAIA Terminal 1.

Habang ang ibang PAL international at domestic flights ay mananatili sa NAIA Terminal 2.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong, antisipasyon ito sa pagdagsa ng mga pasahero sa darating na Kapaskuhan at maiwasan din ang passengers congestion sa Terminal 2.

Dagdag pa nito, ang check-in procedures ng US bound passengers ay ililipat din sa Terminal 1 at pinapayuhan ang mga ito na bigyan ng konting panahon para sa TSA-mandated secondary checks at security inspections bilang requirement sa mga US bound flights.

Ang mga pasahero ng PAL sa NAIA Terminal 1 na mayroon connecting flights sa Terminal 2, maglalaan ang airline ng shuttle service na siyang maghahatid sa mga pasaherong patungo sa mga terminal.

At ang Air Asia flights sa Terminal 4 papuntang Cebu at Caticlan ay malilipat naman sa Terminal 3 simula sa Disyembre 16.

Kaugnay nito, pinapayuhan ni MIAA Ma­nager Choing ang PAL at Air Asia na sundin ang kanilang mga schedule upang maisaayos ang terminal pre-departure area congestion at maiwasan ang flight delay. FROILAN
MORALLOS