(Ipatutupad ng DILG) MAAGANG PAGKANSELA NG KLASE, TRABAHO

INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na ipapatupad ang maagang anunsyo ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno at mga klase isang araw bago pa ang pagdating ng bagyo.

Pinahintulutan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang departamento na ianunsyo ang suspensyon sa mga pagkakataon na may masu­ngit at masamang panahon.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na noong Ca­vite governor siya ay ginagawa na nito ang pag-anunsyo ng suspensyon ng trabaho at klase isang araw bago pa dumating ang bagyo.

Aniya, gagamitin ang data mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at maging ang US’ Joint Typhoon Warning Cen­ter (JTWC), at Japan Meteorological Agency para gumawa ng “forecast model” na siyang magiging basehan para sa pag-anunsyo ng suspensyon.

EVELYN GARCIA