(Ipatutupad ng MMDA) MAXIMUM TOLERANCE SA UNDAS

Jojo Garcia

MAGPAPATUPAD ng “maximum tolerance” ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpaparada sa mga kalsada sa paligid ng mga sementeryo sa darating na Undas.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, maaaring maglaan ng espasyo ang mga lokal na pamahalaan para sa mga motoristang bibisita sa mga sementeryo.

“Maximum tole­rance. Puwedeng in the sense na lifted muna pero sa vicinity lang ng sementeryo na ia-identify ng LGU,” pahayag ni Garcia.

Subalit, sinabi ng MMDA na magpapatuloy pa rin sila sa pagsasagawa ng kanilang anti-obstruction campaign sa mga kalsada sa Metro Manila na kinabibila­ngan ang kampanya kontra sa illegal parking.

Ayon sa MMDA, ang mga sasakyang kanilang huhulihin sa panahon ng Undas ay iyon lamang lu­magpas sa itinalagang parking space ng mga LGU.

Ayon pa kay Garcia, na maaaring i-tow rin ang nahuling sasakyan kapag nakaaapekto na ito sa daloy ng tao at ng trapiko sa paligid ng sementeryo.

“Kung ikaw ay nakaharang sa gitna ng kalsada at walang makadaan, puwede kang i-tow kasi obstruction ka na,” ani Garcia.

Dagdag pa ni Garcia na ito ay para hindi magsabayan ang dami ng tao at sasakyan sa mga sementeryo at paligid nito gaya ng mga nakasa­nayan noong nakaraan.

Magpupulong din ang MMDA at mga lokal na pamahalaan para i­latag ang mga plano sa pagsasaayos ng trapiko sa Undas kagaya ng mga paglalaanan ng mga parking area.

Pahayag pa ni Garcia na lifted din ang coding sa Metro Manila sa Nob­yembre 1, na isang holiday. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.