IPATUTUPAD ng Port of Cagayan ang tinatawag na First ASEAN Standard Time-Cargo Releasing System (FAST-CaRes) sa darating na buwan ng Nobyembre.
Ang FAST-CARES ang kauna-unahang ilulunsad sa Asia, kung saan 30 minuto lamang ang standard time clearance mula sa pagtatala ng kargamento tungo sa importers.
Ang proyektong ito ay ipatutupad ng Strategy Management (OSM) ng Bureau of Customs (BOC) Cagayan de Oro bilang pagsunod sa kautusan ng international standard.
Lalahukan ito ng mga malalaking kompanya, kabilang na ang Petron Corporation, Jetti Philippines Inc., SL Harbor Bulk Terminal, FDC Misamis Power Corp., Steag State Power Inc., Philippine Sinter Corp., Phoeniz Petroleum Corp., Minergy Power Corp., Prce Gases Inc., at Pilipinas Kao Incorporated. FROI MORALLOS
Comments are closed.