(Ipatutupad sa 2024) TAAS-PASAHE SA MRT-3

TATAAS ang pamasahe sa MRT-3 aa susunod na taon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan na ang fare hike ay inaasahang ipatutupad sa  first quarter ng 2024.

Aniya, ang dagdag-pasahe sa MRT-3 ay katulad sa ipinatupad sa LRT Lines 1 at 2 — P2.29 dagdag na boarding fee at pagtaas ng P0.21 kada  kilometro.

“Kinakailangan na sigarduhin ng gobyerno na ating mapapanatili ang tamang pagtakbo ng ating mga tren, ating railway system, at tinatapat lang natin ang pangangailangan ng maintenance o pangangailangan ng operations doon sa pasaheng ibinabayad ng passengers,” paliwanag ni Batan.

Ang taas-pasahe sa LRT 1 at LRT 2 ay ipinatupad noong nakaraang Agosto.

Layunin, aniya, ng fare hikes na mabawasan ang halaga na inilalaan ng pamahalaan para i-subsidize ang operasyon ng mga tren.