(Ipatutupad simula Abril 1) DAGDAG-BAWAS SA SINGIL SA TUBIG

mwss-5

SASALUBONG sa mga customer ng Manila Water Company Inc. ang mas mataas na singil sa tubig, habang ang mga sakop ng Maynilad Water Services Inc. ay makaaasa ng rolbak sa second quarter ng 2021.

Ito ay makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang quarterly adjustment para sa water distribution utilities.

Sa virtual press briefing kahapon, inanunsiyo ni MWSS chief regulator Patrick Ty na inaprubahan ng MWSS Board of Trustees ang rekomendasyon nito na ipatupad ang 2021 second quarter foreign currency differential adjustment (FCDA), simula sa Abril 1, 2021, “base sa evaluation nito sa FCDA proposals ng mga concessionaire.”

“The FCDA is a mechanism that accounts for foreign exchange losses or gains arising from the loans of MWSS and private sector concessionaires for capital expenditures and concession fees,” ayon sa MWSS.

Ang East zone concessionaire Manila Water ay magpapatupad ng FCDA na 0.84% ng 2021 average basic charge nito na P28.52 per cubic meter o P0.24 per cubic meter.

“This is an upward adjustment of P0.05 per cubic meter from the previous FCDA of P0.19 per cubic meter,” ani Ty.

Ang adjustment ay katumbas ng pagtaas na P0.27 kada buwan para sa Manila Water residential customers na kumokonsumo ng 10 cubic meters o mas mababa pa, maliban sa lifeline customers na hindi kasali sa quarterly FCDA charges.

Ang mga kumokonsumo ng 20 cubic meters at 30 cubic meters kada buwan ay magkakaroon ng pagtaas na P0.60 at P1.22 sa kanilang monthly water bills, ayon sa pagkakasunod

Samantala, ipatutupad naman ng West zone concessioner Maynilad ang FCDA na -0.41% sa 2021 average basic charge nito na P36.24 per cubic meter o -P0.15 per cubic meter.

“This is a downward adjustment of P0.01 per cubic meter from the previous FCDA of -P0.14 per cubic meter,” anang MWSS chief regulator.

Dahil dito, ang residential customers ng Maynilad na kumokonsumo ng 10 cubic meters o mas mababa pa ay inaasahang magka-karoon ng P0.08 bawas sa kanilang monthly bills.

Ang mga kumokonsumo naman ng 20 cubic meters kada buwan ay may tapyas na P0.10 sa kanilang monthly bills, habang ang mga kumokonsumo ng 30 cubic meters ay may P0.20 rollback.

“The reason why there is an increase in Manila Water and rollback for Maynilad is because there are significant portions of the loans of Manila Water are in Japanese yen and in euros. Since the Japanese yen and euros appreciated against the Philippine peso… it caused an increase their (Manila Water’s) FCDA,” paliwanag pa ni Ty.

“Maynilad, majority of their loans payable for this quarter are in US dollars. The peso appreciated against the US dollar which caused the rollback of P0.01 per cubic meter,” dagdag pa niya.

Comments are closed.