(Ipatutupad simula ngayon) KAKARAMPOT NA BAWAS-PRESYO SA PETROLYO

PETROLYO-19

KATITING na rolbak sa presyo ng diesel at kerosene ang ipatutupad simula ngayong araw, habang walang pagbabago sa gasolina matapos ang price hike noong nakaraang linggp.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng kanilang kerosene ng P0.45 at diesel ng P0.35.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong price adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Epektibo ang bawas-presyo ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-aadjust ng presyo sa alas-8:01 ng umaga.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang Marso 16, 2021, ang year-to-date adjustments ay may net increase na P7.35 kada litro para sa gasolina, P6.25 kada litro sa  diesel, at  P5.35 kada litro para sa kerosene.

One thought on “(Ipatutupad simula ngayon) KAKARAMPOT NA BAWAS-PRESYO SA PETROLYO”

  1. 427813 487192Thanks for some other great post. Where else may possibly just anyone get that type of information in such an perfect means of writing? Ive a presentation next week, and Im at the search for such info. 629113

Comments are closed.