(Ipatutupad simula ngayong Martes)P2.10/L TAPYAS SA GASOLINA, P2.20/L SA DIESEL

OIL PRICE HIKE-2

MAY mala­kihang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bababa ng P2.10, diesel ng P2.20, at kerosene ng P2.55.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.

Epektibo ang rolbak ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng presyo sa alas-8:01 ng umaga sa parehong araw.

Noong nakaraang Martes, Agosto 2, ang presyo ng diesel ay bumaba ng P0.60 kada litro habang ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P0.75 kada litro.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Agosto 2, ang year-to-date adjustments ay nagtala ng net increase na P19.65 kada litro para sa gasolina, P32.35 kada litro sa diesel, at P27.30 kada litro para sa kerosene.