NAIS ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago na maibalik ang mga tinapyas na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) sa State Universities and Colleges (SUCs).
Ayon kay Elago, mahalagang mapanatili ang pondo ng SUCs para mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isang resolution, sinabi ni Elago na batay sa 2022 proposed national budget, P71.19 bilyon ang inilaan para sa SUCs, na 17.17 porsiyentong mas mababa kumpara sa P85.956 bilyon ngayong taon.
Sa 113 SUCs, 104 ang tinapyasan ng pondo kung saan 102 ang binawasan ang operating budget.
Sa datos, kabuuang P964.6 milyon ang tinapyas ng DBM sa Maintenance and Other Operating Expenses habang P964.6 million ang kinaltas sa Capital Outlay ng SUCs.
“These budget cuts only contradict the policy of the state to prioritize education, amidst the worsening economic crises resulting from failed government response to COVID-19 pandemic, especially during a time when even more resources are needed in order to meet the needs of students, teachers, and the whoel of the education sector,” sabi ni Elago sa kanyang resolution.
Iginiit pa ng kongresista na mas kailangang taasan ang pondo para sa capital outlay and operations para sa ligtas na pagbubukas muli ng mga campus at maihatid ang dekalidad na edukasyon.
“Higher education is an instrument of empowerment and thus contributory for national developoment. Higher education serves as public and social purpose. Contrart to current market-driven economic policies, higher education is a public good and should not be left vulnerable,” dagdag pa ni Elago.
559967 355737Your blog has the same post as another author but i like your better.~:; 869049
375650 106839Glad to be 1 of numerous visitants on this awing internet web site : D. 210847
280391 490421Some genuinely intriguing information, properly written and broadly user pleasant. 878682
788758 351600This will be a terrific blog, would you be interested in doing an interview about just how you developed it? If so e-mail me! 936261
59132 368657What is your most noted accomplishment. They may want good listeners rather than great talkers. 450567