(Ipinabibigay sa loob ng 10 araw) BENEPISYO NG HEALTH WORKERS

Senador Richard Gordon-3

HINILING ni  Sen. Richard Gordon sa Malakanyang na bigyan lamang ng 10 araw ang Department of Health (DOH)  at Department of  Budget and Management (DBM) para ipagkaloob ang mga benepisyo ng health workers.

Sinabi ni Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committer na nanguna sa pagsasagawa ng imbestigasyon makaraang maantala ang mga benepisyo ng healthcare workers, na nararapat lamang na ipag-utos na ni Pangulong Duterte sa dalawang nasabing ahensiya na ibigay na sa loob ng 10 araw ang naturang mga benepisyo.

Ikinatuwa  ni Gordon ang naging desisyon ng Pangulo na ipagkaloob na ang mga benepisyo na dapat na matanggap ng mga health worker.

“We welcome the President’s order and we are glad that finally, our hardworking healthcare workers will get their additional pay and benefits that have been long overdue,” pahayag ng senador.

Nauna na ring inihayag ng Pangulo na inatasan na niya si Health Secretary Francisco Duque III  na gamitin ang natitirang pondo ng ahensiya bilang pambayad sa mga healthcare worker sa mga pampubliko at prinadong hospital, kasama na ang mga volunteer.

“We have been fighting for our healthcare workers’ welfare for so long as we recognize their role as very important to public health especially during the health crisis that we are currently dealing with. This is a very significant development to our investigation and we will not stop until the other issues concerning our health workers are resolved,” ani Gordon

Nagbunsod ang imbestigasyon ng blue ribbon commitee sa ulat ng Commission on Audit (COA)  kaugnay sa umano’y mishandling ng DOH sa P67 bilyong COVID funds. LIZA SORIANO

4 thoughts on “(Ipinabibigay sa loob ng 10 araw) BENEPISYO NG HEALTH WORKERS”

  1. 103826 520972yourselfm as burning with excitement along accumulative concentrating. alter ego was rather apocalyptic by the mated ethical self went up to. It is punk up to closed ego dispirited. All respecting those topics are movables her need to discover no end touching unpronounced. Thanks so much! 633393

  2. 9917 820602I discovered your blog post web internet site on the search engines and appearance several of your early posts. Always sustain the top notch operate. I additional the Feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading considerably a lot more on your part down the line! 363308

  3. 506027 111635Hello! I would wish to supply a large thumbs up for your outstanding info you can have here about this post. Ill be coming back to your blog website for further soon. 603982

Leave a Reply

Your email address will not be published.