(Ipinagkaloob kay Pangandaman) GAWAD KAPAYAPAAN AWARD

IPINAGKALOOB kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pres­tihiyosong Gawad Kapa­yapaan Award nitong Setyembre 30.

Ang naturang pagkilala ay iprinisinta ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Kinilala ang kontribusyon ni Secretary Pangandaman sa kapayapaan at pagpapaunlad ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Bilang co-chairperson ng Intergovernmental Relations Body (IGRB), pinangunahan ni Pangandaman ang pagsisimula ng pitong meka­nismo ng IGRB sa loob lamang ng isang taon at ipri­nisinta ang 3rd Progress Report to the President nitong Hulyo 31.

“As a proud daughter of Mindanao, this mission holds a deep personal significance for me. The vision of peace and development in BARMM is something that lives in my heart—a flame that burns brightly. I have seen first-hand how conflict can scar communities, but I also know that hope and peace can transform lives,” ayon sa Budget Chief sa kanyang acceptance speech.

Isa ring key figure si Secretary Pangandaman sa paglulunsad ng Marawi Compensation Board (MCB), na nagtulak sa pagbangon ng ekonomiya sa rehiyon.

Inilunsad din niya ang Public Financial Management Competency Program (PFMCP) sa BARMM para palakasin ang mga PFM practitioners.

Bilang natatanging Muslim Filipina sa gabinete ni PBBM, suportado rin ng Budget Chief ang “women empowerment and financing with gender perspective”.

Pinangunahan niya ang delegasyon ng Pilipinas at nagbahagi ng kanyang kaalaman sa 68th Session of the Commission on the Status of Women ng United Nations (UN) noong Marso 2024.

“Our government is committed to peacebuilding through real and concrete actions because, at the end of the day, peace begins with us. It starts with what we are willing to give, what we are willing to sacrifice for the greater good,” paliwanag nito.

Kinikilala ng Gawad Kapayapaan ang mga natatanging indibidwal at institusyon na gumawa ng malaki at makabuluhang kontribusyon sa pagpapa­natili ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Tumanggap na rin ng katulad na pagkilala sina Professor Miriam Coronel-Ferrer, Ghazali Jaafar, kilala rin bilang si Hajji Salik B. Abu, at ang Munisipalidad ng Kauswagan, Lanao del Norte.

May temang “Bagong Pilipinas-Transforming Minds, Transforming Lives,” ang Gawad Kapayapaan 2024 Awarding Ceremony ay nagsilbing panapos na aktibidad sa selebrasyon ng National Peace Consciousness Month na pinangungunahan ng OPAPRU.