NAGKALOOB ang state-owned Development Bank of the Philippines (DBP) ng P1.4 billion loan sa INVESTCO BHPI, Inc. bilang partial funding para sa konstruksiyon ng isang 8.4-megawatt (MW) hydroelectric power plant sa Bukidnon.
Sa isang statement, sinabi ng DBP na ang 8.4-MW Maladugao River hydroelectric power plant ay inaasahang mag-o-operate sa 2025.
Ayon kay DBP President and Chief Executive Officer Michael de Jesus, ang loan ay isinagawa sa ilalim ng Financing Utilities for Sustainable Energy Development (FUSED) Program ng bangko, na naglalayong tumulong sa pagpapalawak ng access sa serbisyo sa koryente, partikular sa kanayunan.
“We are honored to be a part of this worthy endeavor,” sabi ni De Jesus.
“The construction of the 8.4-MW Maladugao River hydroelectric power plant bodes well for the people of Bukidnon and is a tangible manifestation of President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s vision of an energy-sufficient Philippines.”
Dagdag pa niya, ang 8.4-MW Maladugao River hydroelectric power plant ay pinasok ng First Bukidnon Electric Cooperative para magkaloob ng initial supply ng 5.5 MW ng koryente sa southern part ng Bukidnon, kabilang ang Valencia City.
Ang proyekto ay inaasahang makatutulong para maibsan ang epekto ng napipintong energy shortage sa lalawigan sa 2028, base sa datos mula sa Department of Energy.
“More importantly, this project is seen to stimulate the growth of local industries and small businesses and generate more economic opportunities for the people of Bukidnon,” ani De Jesus.
Sa datos ng DBP, hanggang noong katapusan ng September, ang bangko ay nakapag-apruba na ng P81.5 billion na loans sa 95 borrowers sa ilalim ng FUSED program.
Ang kabuuang loan na inilabas ay umabot na sa P57.2 billion.
(PNA)