(Ipinagkaloob ng DOLE) TEMPORARY JOBS SA EL NIÑO-HIT WORKERS

NAGKALOOB ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng alternative livelihoods sa mahigit 35,000 manggagawa na naapektuhan ng El Niño phenomenon hanggang ngayong buwan.

Ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez, ang mga apektadong manggagawa ay pansamantalang binigyan ng trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program.

Nagmula sila sa Cordillera Administrative Region, Mimaropa, Regions I, III, IV-A, VI, IX, at X.

“Meron tayong mga kababayang [naapektuhan] ng El Niño at dahil dun nawalan sila ng trabaho. Binigyan natin sila ng tinatawag natin na temporary wage employment under the TUPAD,” sabi ni Benavidez.

“Tuloy-tuloy po ang ating tulong na ibinibigay sa mga kababayan na apektado ng El Niño. Sa katunayan, malaking bahagi ng TUPAD payouts ay para sa mga kababayan nating naapektuhan ng El Niño,” dagdag pa niya.

Hindi bababa sa P163 million ang inilaan para sa sahod ng mga benepisyaryo.