(Ipinagkaloob ng nat’l gov’t noong Enero-Setyembre) P137-B SUBSIDIYA SA GOCCs

UMABOT sa P137.1 billion ang subsidiya ng national government para sa government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa unang siyam na buwan ng taon.

Sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang tumanggap ng pinakamalaking budgetary support na nagkakahalaga ng P50.6 billion.

Sumunod ang Na- tional Irrigation Admin- istration (NIA) na may P31.8 billion.

Pumangatlo ang National Housing Authority (NHA) na may subsidiya na nagkakahalaga ng P16.6 billion.

Ang iba pang top recipient GOCCs ay kinabibilangan ng National Food Authority (P6 billion), Power Sector Assets and Liabilities Management Corpora- tion (P5 billion), Phil- ippine Crop Insurance Corporation (P4.6 billion), Philippine Fisheries Development Authority (P3.1 billion), at Bases Conversion and Development Authority (P2.9 billion).

Noong Setyembre, ang subsidies sa GOCCs ay bahagyang bumaba sa P21.2 billion mula P23.6 billion noong na- karaang taon.

Gayunman ay mas mataas ito kumpara sa P18.9 billion noong Agosto ngayong taon.

Ang NHA ang tumanggap ng pinakamal- aking subsidiya na nag- kakahalaga ng P11.1 billion sa naturang bu- wan.

Ang iba pang top recipients ay ang NIA (P2.9 billion), Philippine Crop Insurance Corporation (P2.7 billion), National Electrification Administration (P1.3 billion), at NFA (P1.0 billion).

(PNA)