(Ipinagkaloob ng OWWA, DMW) CHRISTMAS FINANCIAL AID SA DISTRESSED OFWs

BILANG tulong pinansiyal ngayong Kapaskuhan, namahagi ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes ng tig-P55,000 sa distressed overseas Filipino workers (OFWs) na dumating mula sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang mga OFW na may mga anak ay tumanggap ng karagdagang P5,000. Napag-alaman na nasa 50 OFWs ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa “Pamaskong Salubong 2023” program ng pamahalaan.

Ang “Pamaskong Salubong” ay isang taunang programa ng gobyerno bilang paraan ng pagpapasalamat sa naiaambag ng OFWs sa bansa.

Isa sa distressed OFWs ay si Jeanie Banaag, 44, na nakaranas ng pagmamaltrato sa kanyang tatlong buwang pagtatrabago sa Riyadh.

Aniya, hindi siya pinakakain ng kanyang amo at ikinulong pa sa bahay.

Tumanggap din ng loot bags mula sa “Pamaskong Salubong” program ang mga nagbabakasyong migrant workers.