(Ipinagkaloob ni RSA) CASH INCENTIVES, BIZ OPPORTUNITIES SA OLYMPIC WINNING BOXERS

PERSONAL na ipinagkaloob ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon S. Ang ang ipinangako niyang cash incentives kina Tokyo Olympic medalists Eumir Marcial, Carlo Paalam at Nesthy Petecio.

Si Marcial ay tumanggap ng P2 million incentive para sa kanyang bronze medal feat habang sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio ay may tig-P5 million sa pagwawagi ng silver medals.

Bukod sa cash incentives, sinabi ni Ang na magkakaloob ang San Miguel Corporation (SMC) sa tatlong boxers ng anumang negosyo sa SMC na kanilang mapipili na maaari nilang itayo sa kani-kanilang probinsya.

Ang lahat ng tatlong boxers ay mula sa Mindanao. Si Marcial ay mula sa Zamboanga City habang sina Paalam at Petecio ay sa Cagayan de Oro at Davao del Sur, ayon sa pagkakasunod

“At a time when our country is seeing the initial signs of hope to recover from the pandemic, our Olympic medalists continue to inspire us to do our best and rise above all difficulties. As we wish them further success in boxing in the coming Olympics and in Eumir’s case, his next professional bout, we also taking steps to further secure their future with the San Miguel businesses of their choice,” sabi ni Ang.

Aniya, ang unang Olympic gold ng bansa mula kay weightlifter Hidllyn Diaz sa Tokyo Olympics ay magsisilbing inspirasyon sa tatlong Olympic boxers para sungkitin ang gold sa boksing na muntik na ring makuha nina Anthony Villanueva at Mansueto ‘Onyok’ Velasco noong 1964 sa Tokyo at 1996 sa Atlanta, ayon sa pagkakasunod nang manalo sila ng silver.

Nauna na ring nagbigay si Ang ng P10 million incentive kay Diaz.

Naniniwala rin si Ang na si  middleweight Marcial, na naging pro noong nakaraang taon, ay isa sa ‘brightest spots’ sa Philippine boxing makaraang talunin nito si American Andrew Whitfield sa kanyang professional debut noong nakaraang Disyembre bago naging unang Filipino pro boxer na sumabak at nagwagi ng medalya sa Olympics.

“Eumir’s first bout is impressive, considering that he turned pro and fought his first pro bout following a long layoff due to the pandemic. I see him reaching the greater heights like great boxers Flash Elorde and Manny Pacquiao, who have long been associated with San Miguel during and even after their professional careers,” ayon kay Ang.

“If he becomes a champion in his division in the coming years and also wins a gold medal in the Paris Olympics in 2024, then he will have the unique distinction of being the first one to do so,”dagdag pa niya. CLYDE MARIANO